Sinong Pinoy ang hindi nakakikilala sa betamax, adidas, chicharon bulaklak at isaw? halos lahat ng mga pilipino ay alam ang pagkaing ito na inihaw. Maraming Pilipino ang tumatangkilik sa pagkaing ito dahil sa swak sa bulsa at pasok sa panlasa ng masa. Bata man o matanda, may ngipin man o wala ay talagang patok na patok ang pagkaing ito. Kahit na alam nating may masamang dulot ang pagkain nito ay patuloy pa rin ang mga parokyano.
Ako, ay hindi rin nakaligtas sa pagkaing ito. Sa tuwing mapapadaan ako sa ihawan na nasa gilid ng aming paaralan at naaamoy ko ang nakakagutom at nakakatakam na amoy nito ay hindi ko mapigilang hindi bumuli at kumain ng marami.
Ang pagkaing ito ay parte na ng ating kultura. Pagkaing kilala ng bawat panlasa . Pagkaing nagpapakilala ng estado natin sa lipunan. At pagkaing bumubusog sa mga kumakalam ang tiyan.